March 20th, 2012
Ilang araw na rin ang nakakalipas… 6:10am… maliligo na sana ako dahil ag pasok ko ay 7am.. sa di ko maipaliwanag na pangyayari..aksidenteng nalaglag ang boiler na may laman na bagong kulong tubig-pampaligo ko sa inosente kong paa… resulta -1st degree burn.
isa..dalawa..o marahil tatlong oras ko din na iniyak ang hapdi nito… itinulog… pero pagdating ng hapon… dahil sa alas-tres na pasok ko… tumayo ako… naligo..naghanda.. nagsuot ng uniform… naglagay ng super pink lipstick at blush-on na good for 8 hours.. at itinago ang sakit na nararamdaman…
Ang hapdi ng sugat…pero minsan kelangan kong maging matibay para sa sarili ko. kailangan. kailangan.

Ilang araw na rin ang nakakalipas… 6:10am… maliligo na sana ako dahil ag pasok ko ay 7am.. sa di ko maipaliwanag na pangyayari..aksidenteng nalaglag ang boiler na may laman na bagong kulong tubig-pampaligo ko sa inosente kong paa… resulta -1st degree burn.

isa..dalawa..o marahil tatlong oras ko din na iniyak ang hapdi nito… itinulog… pero pagdating ng hapon… dahil sa alas-tres na pasok ko… tumayo ako… naligo..naghanda.. nagsuot ng uniform… naglagay ng super pink lipstick at blush-on na good for 8 hours.. at itinago ang sakit na nararamdaman…

Ang hapdi ng sugat…pero minsan kelangan kong maging matibay para sa sarili ko. kailangan. kailangan.

August 21st, 2011

A super special - Special Holiday.

Dighay lang ang pahinga.

Figuratively and LITERALLY.. Actually. 

Pagpasok ko kaninang umaga. Walang energy. Antok pa. Antok much. Naabutan ko ang isang opd patient. Bulong ko sa sarili ko… “NO MATCH”. Pero kahit feeling ko magmamaganda lang ako sa araw na to…sinabi ko pa din sa kaduty ko… “Mam, dapat mas masipag tayo ngaun..kasi special holiday…”

Di pa nagtatagal ang emote ko na pagmamasipag eto naaaaaa.

Huge Wave of zombies este patients is coming….

Walang batch batch teh, dirediretcho… Interview, fill-up ng data, bayad po sa kahera… ihi po muna… pasok po sa pinto.. yung result po 30 minutes to 1 hour. Nasambit ko yan ng paulit-ulit ulit ulit. Nakakasawa.

UNLI ang CBC APC.

Kasing UNLI ng Urinalysis.

Napakapanghi namen. Isama mo na rin ang amoy pupu. Ang hemanalyzer di na nagpahinga. Daig pa ang kuracha. 

Sa mag-ttatlong taon ko sa trabaho ko.. Isa ito sa pinaka-toxic na araw. Blockbuster. Box Office. Daig pa ang pila sa sinehan. Feeling na feeling ko tuloy artista ako. Feeling ko na-break ko na ang record nila Sarah at John Lloyd, o ni Bossing at ang enteng kabisote. Record breaker ang ganda ko teh. Di man lang ako nakapag-prepare.

Namawis lahat ng pwedeng mamawis. Kahit sagad-sagad ang thermostat ng aircon.. di namin maramdaman. Ang init. Kapagod. Ang laboratory… parang tatlong hakbang lang… Big steps lahat ng lakad.. (di kasali si mam tam sa big steps ha..peace). Oily ang mukha ko. Pwedeng prituhan ng itlog. Wala ng suklayan. Walang ayos na buhok. Wala lahat. 

Kung dati.. IHI ang pahinga. Ngaun muntik-muntikanan na kaming maihi sa pants. Wala ng panahon sa pag-CR. Dighay nalang ang pahinga.

Ang kape, nainum namen ng walang feelings. Diretcho lang. Walang emosyon. Walang tawanan. Straight. Walang lasa. Makapagkape lang. Makapagkape lang.

Pero gayunpaman… TEAMWORK na TEAMWORK ang dating. Ansarraaaaap talagang magduty kapag lahat kayo gumagalaw.. di mo na kailangan tumawag ng tagahawak, di mo na kelangan iutos ang pagprepare.. o pagstain, o pagpatay ng timer, o pagsagot ng phone… AUTOMATIC na yun. Lahat gumagalaw. Walang mai-iistroke.

mula 6-2pm pa lang nakaubos kame ng 1 chargeslip at ongoing pa ang isa. Pero sa pag-endorse namin sa PM duty. Tapos ang recording. Tapos ang logging. Tapos ang pag-wash ng test tubes. Malinis ang lab. Tapos lahat ng trabaho..kahit pa hindi kami humihinto. Kasi may TEAMWORK. may natitirang nagpprocess… may gumagawa ng iba. Hati ang recording.. Hati ang pag-input sa computer. Hati lahat. 

PAgod ako. I know. Pero dahil super dami talaga. Dahil toxic talaga. Plakda ako agad sa higaan. nag-PLANK ako agad.

Sa mga oras na ito… Gusto kong pasalamatan ang ilang tao na tumulong sa aming mga duty.

Mam Apple. Maraming salamat sa pagdeliver ng chargeslip. Maraming salamat sa ngiti. Maraming salamat sa pagsabi na kaya niyo yan.

Mam Dianne. Maraming salamat sa pagdalaw. Maraming salamat sa pagdamay sa aming katoxican. Damay-damay talaga tayo. Maraming salamat sa pagtingin sa bangs ni Mam tam na sanhi ng lahat ng kaguluhan na ito.

Sir reibe. Killer smile mo palang na-ibsan na ang pagod namin. MAraming salamat sa pag-silip silip sa amin. Wag kang mag-alala.. may energy pa kaming mag-extract ng blood. Thanks.

At higit sa lahat..

Francis. Maraming salamat sa pag-interview, charge, papaihi, pagpapaliwanag, pag-eextract, pagttype ng result, pag-eencode sa computer. Hindi namin ma-imagine kung wala ka kanina. Hayaan mo, kapag kami ni Mam Janice at Mam Tam mag-eevaluate sayo.. for sure over over pa sa 5.0 ang score mo. Pasok ang Initiative, pasok ang teamwork, pasok ang quality at quantity of work. Pasok lahat. Pasok ka sa banga. Pasok na pasok. Maraming maraming salamat din sa pagpapatawa sa amin. May ka-pork chop duo ako kanina.

—-

Sa relative na tumatawad..

“Iha, wala bang bawas? sagad na ba?”

Kami: Sige po, 50 pesos nalang isang kilo. Tapat na po yan.

Sa relative na tumatawad…

“Iha, wala bang bawas? sagad na ba?”

Kami: Sorry po, next week pa po ang 3-days sale namin. Balik nalang po kayu. Or try nio po sa SM pampanga.

Sa relative na tinatanung kung kelan ang resulta…

Kami: Results of the test will be posted soon sa internet, paki-abangan nalang po kung pasado kayo.

At sa relative na nagtatanung kung saan papasok?

Kami: try nio po sa butas.. kung kasha…

JOKE. 

Sa mundo namin na wala kang mahihingan ng tulong kundi sari-sarili lang. Tangi ang pagpapatawa sa sarili namin ang nagiging libangan.

30%? dapat ata 100% ang bayad samin today.

Dapat porsyentuhan ang pirma. Baka anlaki ng sweldo ko. Pero for sure.. malaki din ang tax ko… Haist.

August 19th, 2011

N/A. N/I.

Ilang linggo na rin na pansamatalang nanahimik ang dati ay maingay kong WALL. Ilang linggo ko na rin pinipigil magsulat ng mga bagay-bagay na gumugulo sa aking isip. Kasabay ng aking pagiging SILENT MODE, ay ang araw-araw na pagsakit ng ulo ko. Minsan pa ay parang binibiyak. Minsan pa parang sasabog. Minsan pa parang hindi ko na kakayanin. At kadalasan ay hindi kinakaya ng simpleng gamot. Kaya siguro..hindi totoo na katulad ng sikmura.. pagwalang-laman ay sumasakit… Hindi ganun ang utak ko.. Um-oover na kasi sa nilalaman.. kaya kelangan na ilabas…

Katulad nga ng lagi kong sinasagot kay Auntie Tambelyne kapag sinasabi niya na… Mam..bat ka madaldal?

“Hindi ako pinanganak para manahimik…. I am not born to fit in.. I am born to STAND OUT.”

—-

Less TALK, Less MISTAKE.

Hindi rin laging dapat ganun ang kalakaran ng mundo. Kaya nga nalikha ang profession na ABOGADO, dahil mayroon kang karapatan na ipagtanggol ang iyong sarili.

Kung sa lahat ng pagkakataon ay palilipasin mo nalang ang lahat.. at hayaan na..bahala na ang nakakakita sa kanila….

Edi ibig sabihin… kapag may isang grupo ng lalaki.. na kinuha ka at aakmang gagahasain ka.. ay papayag ka nalang.. hayaan na… bahala na ang nakakakita sa kanila…. DI SIGURO.

—-

N/A.

Not Applicable.

Sa mundong itong ating ginagalawan. Walang exception ang mga nakukuhang sakit. Katulad ng dengue. Hindi naman porke.. naka-kotse ka ng Ford e iiwasan ka na ng lamok.. at sasabihin niyang.. “Upper Class to..hindi pwede..”

Parami na ng parami ang mga taong nagkakasakit. Pero katulad ng uti, lagnat, amoeba, etc etc. Lahat ng tao pwedeng magkaganyan. 

Walang Exception to the rule.

At lalong hindi katulad ng Periodical exam.. na kapag perfect mo ang project ay Exempted ka na sa exam. Walang ganun sa totoong buhay.

Wala naman sigurong X-ray vision ang mata ng mga upperclass para makita nila lahat ng mikrobyong nagttumambling sa sahig, sa mga laruan, sa mga gamit o sa tubig. Wala kayong ganun kakayahan. Kahit marami pa kayong pera.

Yung anak ko.. Hindi pa nagka-amoeba.. Pero di ko sinasabing ganuon kami kalinis.. Dahil minsan nga hinahayaan ko siyang maglaro.. magdumi.. makaranas madungisan. Pero pagkatapos nun, lilinisin kong mabuti ang kanyang mga kamay.

Minsan nga.. o mas madaming pagkakataon… kung sinu pa yung sobrang linis sa katawan.. sila pa yung mas kinakapitan ng mga sakit.

Isipin nalang ng kinakaukulan.. kung yung mga tao nga na nakatira lang sa ilalim ng tulay..hindi nagkakasakit… tingin niya ba na sila pang sobrang linis ang magiging exempted. Think twice mga kapatid.

—-

N/I.

Not Intrested.

Palala na ng palala ang pagkawalang gana ko sa mga bagay-bagay. Hindi ko maintindihan kung bakit nga ba tayo nagpapakapuyat para sa ilang kusing. Naisip ko kung inipon ko siguro yung pinang-tuition sa akin.. baka mahiya ang perang nasa ATM ko ngaun. 

Pero ang bawat kusing ay pinagpawisan, pinagpaguran, at pinagpuyatan ko. Proud ako. Pero minsan nakakasawa din naman maging Rosa Rosal. Sabi nga sa radyo..”PEra pera..pera pera lang yan”…repeat 1,000,000 times.

Sa isang pakikipagtalastasan kay Doc Roman… sabi niya..dapat daw ang isang single na nilalang ay kumikiya ng 10,000. Kung pamilya na may isang anak..dapat 20,000 para kahit papanu masusutentuhan ang pangunahing pangangailangan. Dahil hindi naman din biro ang nilustay na salapi ng mga magulang naten para pag-aralin tayo. Pero hindi naman ganun sinusweldo naten… not even close. Haist.

Nakakawalang gana. Ang gusto ko lang naman talaga ay magkaroon ng nakakaganang kikitain.

Pero wait… Ang mas gusto ko pala… ay

mag… VIA IPHONE. at magka MOBILE UPLOADS. Kahit 1 time lang.

—-

Mula noong nagka-isip ako, sa bahay man o maging sa eskwelahan.. takot na takot akong mag-break ng rules. Lagi akong sumusunod. Hinding-hindi ako sumusuway. Never akong nalate. Di ko naranasan yun.

Kaya sanay akong sumunod sa patakaran. Sanay na sanay.

Pero di ba.. pinakamasarap sumunod ng patakaran kung pare-parehong sumusunod ang lahat. Kung pati ang gumawa ng batas ay susunod din.

Maganda ang minumungkahi na pagpapatigil ng pag-sigarilyo sa mga pampublikong lugar. Ok yun. Pero mas maganda kung pati si Pnoy, titigil din.

Maging modelo. Dapat ang mga leader ang magsimula. Kaya i-start mo. Para gayahin ka namin lahat.

July 28th, 2011

Siguro noong unang buhay ko….

Minsan, naniniwala din ako sa reincarnation. Minsan, sa malikot kong isip, nakakapa ko din na baka nga noon nabuhay tayo sa ibang katauhan, sa ibang pagkakataon, sa ibang panahon.

Siguro noong unang buhay ko…

1. Prinsesa ako. Dahil ako ay self-proclaimed na may Barbie doll syndrome, dahil sa likas na kaartehan. Baka nga prinsesa ako. Baka kelangan akong alayan ng mga pagkain, inumin, at damit noong unang buhay ko. Baka isa akong prinsesa na bratinella na kailangan sundin ang aking kagustuhan. Baka prinsesa ako. 

2. GRO ako. Sabi nga nila dahil sa likas na nananalaytay na pagka-“MAAT” ko. Baka nga GRO ako nun. Maharot. Very Liberated. Mahilig? (di mashado). Siguro totoo nga talaga yung sabi ng OB ko na kapag natanggalan na ng isang ovary..baba na ang sex drive. Naniniwala ba kayo? Feeling ko kasi bumaba na.

3. Badariwariwaf Badaf ako. I love Gays! Pero baka nga bakla ako nuong una kong buhay. Kasi sabi nila..”It takes one to know one…” E sa maraming pagkakataon..amoy na amoy ko ang lansa ng mga serena. Kapag may kaliskis kahit itago pa..ewan ko ba kung bakit ko naamoy. Ang armas ko ay isa lamang… asin. Dahil ang tunay na serena..kahit konting asin lang.. lalabas ang buntot.

Commercial: Ano ang Swero na hindi pwedeng i-hook sa aming mga bading….?

4. Si Gabriela Silang ako. Baka nga ako si Gabriela silang..dahil ipinaglalaban ko ang karapatan ng mga aba. Naks. Parang true. Kaya minsan natatakot akong magalit..baka pagnapuno ako.. Itakin ko nalang sila.

At dahil nga sa mga feeling ko napagdaanan ko na personas, napaka-complex tuloy ng lumabas…

Bratinella na Babaeng Bading na Palaban? Say what?

—-

Ang hirap talagang kitain ng pera. Sunod-sunod na ang pagtaas ng lahat ng bilihin, mga pangunahing pangangailangan, gasolina, tubig, kuryente.. lahat tuloy-tuloy ang pagtaas. Sana kung gaano namin kahirap maasam ang kakarampot na umento sa sahod..ganun din kahirap paghirapan ng cornbeef ang pagtaas ng presyo nito.

Sana bago itaas ang presyo gasolina.. i-evaluate muna naten sila. 

Talagang panty at brief nalang ang bumababa. =)

July 24th, 2011

Wanted: Inner Peace!

Sa tuwing papakealaman ni Jim ang Facebook ko.. lagi niyang sinasabi…. “Anu ba yan!! puro Online Shop nasa Newsfeed mo… puro Tag ng items sa Wall mo..”. Napapangiti nalang ako.. dahil lately..nagffacebook lang talaga ko para mag online shopping..dahil ako na nga ay Self-Proclaimed Online Shopping Diva.

Araw-araw, nagchecheck lang ako ng mga new products, mga new tags, my clearance sale, mga big discount if you buy 5..mga ganung eksena. Weekly may mga delivery ako sa JRS, LBC, 2go..lahat na yata ng courier nakadalaw na sa bahay namen.

Naisip ko lang..sana may nagtitinda ng Inner Peace..kahit na Mahal..bibili ako.

—-

Ang Mahal kasi maka-avail ng Inner peace nowadays. Ang Inner peace na nagllast 3-5 days kelangan mo maglustay ng more or less 5,000. Kung gusto mo naman na mas matagal.. mag 20,000 worth ka na out of the country trip ka. 

Ang mahal.. di lagi kaya ng budget. Ang hirap i-maintain ng Inner peace. Sana nabibili lang yun sa mercury drugs. Sana may tabletas, sana may instant noodles nun, o kaya energy drink na may halong Inner Peace. Sana sana sana. Puro nalang sana.

—-

Kahapon na-detoxify ako sa 8 hours straight na Balitaktakan namin ng isang Kaibigan. Sa mga oras na ito, nasabi ko ang mga kwento na hindi ko sinasabi for awhile. Ang mga feelings ko na itinatago ko nalang.. Ang mga insights ko, ang mga comments and suggestions at ang mga STRESS.

Ansarap. Kape. Royal. Longganisang soaked sa Mantika for 24 hours. Bopis with sukang puro. Yan lang pala ang katapat para makakuha ng kapuranggot na inner peace. Iba yung pakiramdam. Nakatulog ako kagabi ng maayos. Sana lagi akong may kausap ng Ganun.

Salamat Kaibigan.

—-

Minsan naawa ako kay Jim. Kung ihahambing ko siya sa isang bagay. Para siyang shock ng bike. Dahil sa tuwing kakaldagin ang aking utak. Siya ang nag-aabsorb. Siya na nga. Required niya akong i-entertain, kelangan niya akong bilhan ng mga pagkain na gusto ko pero walang clue kung anu gusto ko at higit sa lahat.. kelangan niyang wakasan ang nararamdaman kong kalungkutan …(hmmm hmmm). 

Pero bukod kay Jim..kay jimbo ko talaga nakukuha ang aking Happiness and Energy. Sa tuwing maglalaro kami..naiwawala niya sa isip ko ang mga bagay na nagpapakunot sa nuo ko. Ansarap niyang panuodin. Ansarap ng pakiramdam kapag nilalambing niya ako. 

Buti nalang anjan silaa…

—-

Linggo ngayon. Nagsimba ako kanina. Sana maging mabait na ko. Sana.

July 18th, 2011

To: Doray Et al.

Pansamantala kong pinipigil SANA ang aking sarili na sumulat ng mga pahayag na katulad nito. Pansamantala SANANG gustong manahimik ng aking wall. Pansamantalang pigilang makabitiw ng mga opinyong pansarili at pansamanatalang maging normal na indibidwal.

Ayoko sanang mag-blog. Ayoko sana. 

—-

Kayong mga nilalang na hinirang upang maging mas mataas kaysa sa amin. Kayong mga taong nasa itaas… matuto sana kayong magbalik tanaw na minsan isang maliit na tao lamang din kayo.

Ang bawat karapatan ay may kaukulang obligasyon. Kung kayo man ay nabigyan ng higit na karapatan o kapangyarihan, nawa’y sa bawat pagkumpas ng magic wand..isipin muna ng higit sa isang daang beses ang bibitiwan.. dahil baka may idulot na hindi maganda.

Kayong mga nilalang na higit na mataas ay nagkaroon din sana ng higit na katalinuhan at pang-unawa para mas maging responsable sa mga salitang lalabas sa bibig. Kayong dapat na may maayos na lengguwahe ay siya pang nagkaroon ng matabil na bibig at matalim na dila.. Ang baho ng lumalabas sa bibig niyo. Magmumug ng Hypochlorite o Muriatic Acid nalang para ma-disinfect mabuti.

Kapag ang anak mo ba ay nadapa.. papatidin mo ba siya ule para mas malugmok at masugatan? Kapag ang anak mo ba ay nasugatan, kukuhanin mo ba ang kutsilyo at hihiwain pa ang kabilang kamay? Kung ganyan niyo man palakihin ang anak niyo. Naawa ako sa kanila. Ang pagpapakilala ng inyong sarili sa ibang tao ay magsasalamin lamang kung anu ka nga ba talaga sa totoo mong buhay.

Sabagay wala naman talagang kaming magagawa kung puro hangin na lamang ang nilalaman ng kaisipan mo. Kung wala na ba talagang natitirang kahit katiting ng kung anu man. Sabagay, hindi nga naman namin kayo mapipigilan sa pagsasalita ng mga salitang parang hindi pinag-isipan, mga salitang hindi maganda.. hindi naman kayo mapipipigilan..dahil kayo yan.. ikaw yan… Nice meeting you po!

Bilang professional, pinipilit kong wag na lamang tignan ang mga bagay na tumutusok sa aking mata. Pinipilit kong magbingi-bingihan sa mga naririnig na parang alingawngaw lang ng mababaw na balon. Pinipilit kong maging manhid katulad ng kutis nilang sobrang kapal. Pero sana, itira niyo na ang isang dangkal na respetong tinitira ko para sa inyo. Isang dangkal nalang..wag niyo ng ubusin.

—-

Ilang buwan na ang nakalilipas sabi ko sa sarili ko, wala na akong pakealam sa lahat. Kung gagawin man nilang impyerno buhay ko.. gagawing kong mas impyerno ang araw-araw nila. Pero hindi kasing halang ng bituka nila ang mga laman loob ko. May puso ako. Hindi katulad nila na puro bitukang pangkain lang ata ang nasa loob ng katawan. May puso ako. I know.

Nakakatamad na sa totoo lang. Pare-pareho lang ang nangyayari. Araw-araw pilit mong pinapakita kung gaano ka katatag, kung gaano mo kayang iraos lahat ng sasagupaing problema. Pero nakakatamad na din ipakita na super hero ka.. pero para sa mata nila langgam ka lang. 

Nakakatamad na talaga. Lalo na kung iisipin mo na bakit sino ba ang dapat i-idolo? kayo? ay wag na lang… wag na lang….ewww.

—-

Ayoko sanang mag-blog.

Pero..

“Kapag napuno na ang salop..dapat na talagang kalusin…”

July 12th, 2011

Costume Party, Mulawin at Adobo Photoshop.

July 5, 2011 - Eto daw ang End of the world/Judgement day. Pero katulad ng mga predictions ng mga naunang propeta, hindi, hindi, hindi. Eto ay naging dress rehearsal lamang sa darating na Costume Party.

Umaaga pa lang ng araw na iyon ay plantsado na ang lahat. Maganda lahat ng mga nurses, may make-up artist pa ata. At siyempre, patalbugan na din sa kanya-kanyang costume. 

Mga bandang 10am in the morning, Ang isa sa mga head ay nagpa-reserve ng pagkain para kung sakaling darating man ang mga bisitang pandangal, may ipapakain naten sa kanila.

Pagkatapos na nasabing reservation, halos labin-limang minuto pa lamang, pumutok ang balita.. Anjan na SILA. Naka-slacks ng itim, at nakaputing polo. Nasa diagnostic. Nag-iinterview ng patient.

Nagkagulo ang buong mundo. Isinuot pa ang mga additional na aksesorya ng mga hinandang kasuotan. Anu kayang tinanong? Anu kayang gustong malaman?

Nagbusy-busyhan ang lahat para mukhang masipag. Pagkaalis ng lalaking naka-slacks, chineck ang basurahan sa diagnostic, patay.. may mali sa di nabubulok. Patay.

Ngunit, isang oras pa lamang ang nakalipas. Lumabas ang tunay na balita. Nag-assume lang pala ang mga tao, dahil sa RESERVATION ng pagkain. Akala nila, porke naka-slacks… PILHEL na. (Pilhel - copyright ni Francis.)

False Alarm. Hubarin ang Costume. Next week na isuot.

—-

July 11, 2011. (7/11)

Gusto na ng lahat na makaharapan ang mga bisitang pandangal. Hindi na pwedeng bukas. Ngayon na. Para matapos na. Ngayon na. Ngayon na.

Handa na talaga ang lahat.. (I guess.). Nagawa na ang lahat. Nailuto na ang Mulawin at Adobo. Mulawin at Adobo ang appetizer, Main course at ipapa-dessert natin sa kanila. Ito ang ating specialty. 

Mainit-init pa lahat ng logbook. Kung tinapay lamang iyon, masarap pahidan ng butter, magiging creamy talaga ang dating. Mainit-init pa ang mga logbook. Naihabol lahat ng pwedeng maihabol. 

Ready na din ang mga dokumentong na-adobo. Lahat, na-edit na. Perfected na lahat ng anggulo. Napraktis na din kung saan bubunot ng chart kung sakaling hihingi sila. May Get-the-chart drill na. Napapirma na ang mga lahat sa autograph. Kaya kumikintab, humahalimuyak na nga talaga ang adobong handa.

Hindi nagtagal.. May tumakbong nagsasabing.. “Anjan na sila…”

Hindi ko maintindihan, ako ba ang haharap sa kanila.. Tinamaan ako ng LBM. Loose na loose na. Nanlalambot ako. Nanginginig. Nagpapawis. Para maibsan.. 2 loperamide na ito…

Ayan na nga.. May naka-slacks na talaga. 3 babae. pero di naka-puting polo. Dilaw. At may blaser. Mukhang Pilhel na talaga. 

Lalong umalab ang damdamin nang mapagdesisyunan nila na sa Office ni Doc I magdocument review. At BUKAS ANG PINTO. Pressure. Kelangan Best in Costume kami, kelangan tuwing lilingon sila, perfect kami. At siguradong paglabas nila.. Kami ang unang titirahin.

Akala ko may larong Bring Me na Tag team ang version. Sa loob ng Office andun ang taga-utos. May tao sa pinto, nakahanda.. siya ang taga-relay.. Tapos may taong sasabihan tong nasa-pinto..siya ang runner.. Tatakbo siya papunta sa “finder”.. Eto namang finder ang hahanap ng dokumentong hinahanap.. at pagkatapos nun ay humahangos na ibabalik sa mga taga-utos. Systematic ang relay. Parang nagpraktis. Kumpleto ang papel, may label pa sa gilid ng folder para madaling makita. Puurrfffeeeekkkk.

Andami kong naririnig, Water analysis result? PMS ng genset? PMS ng water tank? Fire Drill? Memos? Statistics? Naisip ko.. meron kaya tayo nun? Pero lahat naman ng hinanap… may binibigay silang folder. 

Biglang may kumatok sa pinto namen.. dugdugdugdugdug sabi ng puso ko.. Sabay sabing.. “Pa-CR po….” ay letcheeee.

Tapos pumasok na nga talaga ang babaeng naka-yellow.

Mam, pahiram ng send-out logbook, Moa, ilan kayong duty, akin na lisensya, yung Pms logbook? 

ay teka,teka teh..dami mo hinahanap…

Pero naibigay naman naming lahat.. tapos umalis na siya…

2pm.. On the dot. Umuwe na ko.. 35 minutes later.. nagtext ang head ko.. “Umalis na sila..yun na yun…”

“Weh? di nga?”

—-

Pagkatapos namin pakintabin ng perfect na perfect ang laboratory. Pagkatapos i-label ni Anti ellen lahat ng sulok ng refrigerator. Pagkatapos namin iayos lahat ng basurahan. Pagkatapos namin pagpagin lahat ng alikabok, pagkatapos namin i-memorize ang mission vission, proper handwashing, code of ethics… Di man lang kami tinanung……….. Gosh!

Di bale, mas mabuti ng mas handa.. kesa naman nagpunta sila tapos di naman pala tayu ready.

Let’s just hope and pray na… nasarapan sila sa Mulawin at Adobong handa naten. Aja.

July 9th, 2011

Angry Birds! Angry Me! 2nd Edition.

Noong unang blog ko, sinabi ko na napaka-walang kapurpose-purpose ang larong angry birds. Titirahin lang ng mga galit na ibon ang mga baboy na nahaharangan ng mga kahoy,salamin, o semento. Walang katorya-torya. Paulet-ulet. Asinta, Tira, Asinta, Tria. Ganoon lang.

Pero after so many weeks, narealize ko na lahat pala talaga may purpose. Kaya naman pala nagalit ang mga ANGRY BIRDS ay dahil walang pakundangan na kinuha ng mga GREEDY PIGS ang kanilang mga itlog. Kaya naman pala gusto nilang maghiganti, dahil may ginawa naman palang masama sa kanila. At kaya naman pala sila umuusok sa galit ay dahil may pinanggagalingan.

Sa totoong buhay, importante sa bawat isa ang pamilya. Yaan ang isa sa pinakamahalaga sa buhay ng bawat isa. At kung meron mang mga hitad o higad na nanghihimasok ay ansarap tirahin sa mukha, basagin ang ilong, isubsob ng bonggang-bongga. 

Hindi naman aalma ang mga ANGRY BIRDS kung walang ginawang masama ang mga buseeeet na GREEDY PIGS, o mga ITCHY BITCH.

—-

Uri ng allergy.

1. Kating external. Eto ay tipo ng kati na konting kamot lang maiibsan na ang nararamdaman. Hindi na kinakailangan na siyensa. Malamang ay may nadikit lamang na nagdulot sa balat upang makaramdam ng kaunting kati.

2. Kating kailangan ng gamot. Eto ang tipo ng kati na hindi na kinakaya ng kamot. Kailangan ng uminom ng medisina o para sa mas mabilis na paraan ay injection na. Pero matapos ang drug action, mawawala na din ang kati.

3. Kating nanunuot sa balat. Ito ay mala-galis. Ito ay kating sagad sa buto. Walang lunas. Likas. Karumaldumal.

—-

Punto por punto.

Gaano ka ba dapat maging sensitibo sa sarili at sa mga taong nasa paligid mo? Gaano mo ba dapat paka-isipin ang bawat galaw mo, may room ba para sa mga taong insensetive? dapat bang bigyan ng pagkakataon…

Naging dalaga din ako. Naging single and ready to mingle din ako. Pero sa halos lahat ng pagkakataon, hindi ko ginagawang lumapit sa lugar na off limits. May hangganan ang lahat ng bagay. Kahit pa sa isip mo.. ” Wala lang yun”.. may mga taong baka sabihin.. “AY bakit ganun!” o baka ang mga taong higit na mas malapit kesa sayo ay “HINDI na KOMPORTABLE” sa inaasta mo.

Maging sensitibo, hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Kung sa buhay mo ay ayos lang ang mga bagay na iyon, baka sa ibang tao hindi MAAYOS ang ginagawa mo. Umayos ayun sa dapat na IASTA. dahil baka hindi ka na matancha….

Punto por punto.

Ang larong ANGRY BIRDS ay pwedeng i-google.

Punto por punto.

Hindi lahat ng tahimik ay mabait. Hindi lahat ng nagsasalita ay masama. Walang pinagkaiba ang taong nagmura sa kapwa niya sa taong nagmura sa isip niya. -Sir Dan.

Hindi nasusukat ang kalinisan ng tao sa panlabas na itsura. Mayroong mga mapagbalat kayo, May mga nagtatago sa maskara, may mga ansarap balatan.

Punto por punto.

Para sa ikatatahimik na pangkalahatan. Ang bawat move mo, parang sa chess.. ay pinag-iisipan. Dahil hindi mo alam ang in-iisip ng kalaban mo… Baka ma-checkmate ka!

July 8th, 2011
badingangbato:

fuck-yeah-tumblrs-best-posts:

tumblrwallflowr:
And I’m in one of those days right now! 
Submitted by dayanatuna

word.

badingangbato:

fuck-yeah-tumblrs-best-posts:

tumblrwallflowr:

And I’m in one of those days right now! 

Submitted by dayanatuna

word.

(Source: ashkingston)

July 2nd, 2011

The ON-CALL Requirement!

Dahil nga sa kadahilanan na hanggang 11pm lang laboratory namin dito sa umuugang lupa ng San Jose, Nueva Ecija kaya nauso ang ON-CALL.

Ano ba ang ON-CALL?

-Eto ay ang biglaang pagtawag sayo habang ikaw ay nasa dreamland para pagawin ng mga emergency na laboratory at minsan ay emergency-emergencyhan na laboratory.

-Eto ay isang sinumpaang tungkulin, kasama sa job description, kasama sa policy na babangon ka kahit anong oras, tatayo ka kahit mas mataas pa lagnat mo kesa sa patient at ititigil mo ang kasalukuyang ginagawa (alam na!).

THE ON-CALL REQUIREMENTS.

1. OUTFIT.

Ano nga ba ang tamang outfit? Hindi na required mag-uniform, pero cyempre bilang haharap ka sa patient at mga relatives kelangan naman na kaaya-aya ang itsura Hindi yung tipong parang napadaan ka lang para bumili ng goto sa kanto. Kelangan may professionalism pa din ang outfit. Hindi kelangan na bongga, pede na ang Jogging pants kahit di ka magjjogging. Ok na ang t-shirt, kung blouse.. why not?

Sa di inaasahang pangyayari, na-try ko ma-oncall na nasa party ako. Short shorts at backless ang outfit ng lola, pero siyempre nag-lab gown ako, para mukhang respetado, mukhang tunay.

Reminders: kung naabala sa pagtulog, magtoothbrush!

2. ANG TAMANG PAGSAGOT NG TELEPONO.

Sa lahat ng na-ooncall. Ako ang laging walang lusot. Dahil kung naka-silent man ang phone ko o naka-off, meron at merong landline na tatawagan sila. At dahil isa ako sa pinaka-malapit at halos lahat ng empleyado, alam ang bahay ko.. wala talagang lusot.

Pano sumagot ng telepono?

Kat: Huhhh? ngayon na? Ano daw request?

Nurse: ELEC!

Kat: Ting ting ting!!!! Money Money Money! OK.. ANJAN NA KO!

-
Kat: Huhhh? ngayon na? Ano daw request?’

Nurse: CBC, Urinalysis lang po. to consider appe mam e.

Kat: Ganun ba? hmmm.. cge, anjan na ko……………………………………..

Pano ba ang tamang pagsagot ng telepono?

Walang tamang paraan, kasi kahit labag sa kalooban mo.. katulad nga ng naunang nabanggit, kasama ito sa sinumpaang tungkulin na hindi mo pwedeng talikuran kahit pa ikaw ay nasa kalagitnaan ng anu man.

Kaya, kelangan lang.. Umoo. Un nlang.. OK!

3. STRATEGIC PLANNING.

Hindi ka duty, kaya sa mas madaming pagkakataon, either antok pa ang utak mo o baka nasa ibang dimensyon ang pag-iisip mo. Pero kahit anu pa yan, game ka dapat pagtung-tong mo sa laboratory.

Una, talon-talon. Talon ng kaunti para gumalaw-galaw ang natutulog na mga brain cells. Para wag maumpog ang mata sa microscope, at para mas ma-organize ang mga trabaho.

Ikalawa, Pagdating, ano ba ang request? May calcium ba? Prepare na ng reagent? may Elec? calibrate na ang machine, may SGPT? incubate na agad? buksan ang machine. Buksan ang Computer, i-play ang winamp.. piliin ang maiingay na kanta tulad ng BLAH BLAH BLAH.. para magising ang kalamnan..

Ikatlo, Maglabgown. Blood Extraction. At tapusin ang gawain.

Ikaapat: Itawag sa Nurse at humingi ng pamasahe pauwe sa Pharmacy.

4. THE OVERTIME SLIP.

Eto ang pinakamasarap na parte ng Oncall. Ang pag-compute ng kinita mo sa ilang oras na inilagi mo sa laboratory. Pero katulad ng maraming bagay, ang on-call di naman laging panalo, minsan luge, mas mahal pa yung nagastos mo sa mga sumusunod, 1. Toothpaste para mabango hininga, 2. Facial Wash para di Oily at 3. Detergent soap na ipanlalaba sa sinuot mong damit.

Minsan nga mas malaki pa ang ibabayad mo sa FARE kesa sa kinita mo sa pag-ccrossmatch ng isang unit sa room rate na Ward. It’s UNFAIR. Hmm.

Para sa mga di pa nakakaalam, ang oncall fee namin ay dumedepende sa procedure na ipapagawa. Kung ang ipapagawa lamang ay Urinalysis na ang ER Price ay 77 pesos, 15 % lamang ang maiiuwe namen jan. Kaya masaya lang kami kung siya rin lamang na ginising na kami.. itodo niyo na.. para sulit.

Reminders: wag na wag kalimutang i-fill up ang oncall form. Minsan kahit na-fill up mo na hindi pa mapapasweldo sayo kasi may nananabotahe. Pero sabi nga ni Mam Rose, hindi kayu magtatagumpay. Hehehehehe. Joke.

—-
Ok lang naman mag-On Call.. lagi kong sinasabi sa sarili ko na, ito ay kasama sa sinumpaan kong tungkulin. At kailangan ko itong gawin dahil parte ito ng trabaho ko at responsibilidad sa ospital at sa kapwa tao..

Minsan pagtinatanong kami ng Nurse kung OK LANG BA MAM? Gustong-gusto kong sabihin na HINDI! Pero HINDI PWEDE. Dahil kahit HINDI OK. Kelangan maging OK! Kelangan. Dahil may mga taong kailangan-kailangan ng kaalaman ko ng mga oras na iyon.

Pero sana.. Mag-oncall na kayo sa TULOG, wag lang sa on-going. Hehehe.

Sir Benny, Thanks sa bonggang-bonggang ON-CALL.